Skip to main content

TINGNAN | BI-MONTHLY MEETING NG MUNICIPAL COUNCIL FOR THE PROTECTION OF CHILDREN 🧒👦

Isang mahalagang hakbang tungo sa mas ligtas at maunlad na kinabukasan ng ating mga kabataan ang matagumpay na isinagawang ika-apat na bi-monthly meeting ng Municipal Council for the Protection of Children (MCPC). Pinangunahan ang pagtitipong ito ni Hon. Michael L. Galang katuwang si Councilor Jocelyn M. Ong, kung saan masusing tinalakay ang mga umiiral na programa at bagong inisyatiba para sa kapakanan ng kabataan sa ating munisipalidad.

Nakatutok ang sesyon sa pagbalangkas ng mga estratehiya upang palakasin ang proteksyon laban sa iba’t ibang banta sa kapakanan ng mga menor de edad sa pamumuno ng ating butihing alkalde. Binigyang-diin sa pulong ang kahalagahan ng pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng komunidad upang matiyak na epektibong naipatutupad ang mga lokal na patakaran at direktiba na naglalayong magbigay ng maayos na kapaligiran para sa kanilang paglaki.

Naninindigan ang pamahalaang lokal sa patuloy na pakikipagtulungan sa mga ganitong programa at aktibidad upang masigurong walang batang maiiwan sa landas ng magandang kinabukasan.

#LGUFloridablanca #ArangakdaFloridablanca #FloridablancaPIO

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1HTauFCdYU/

Official Website of Municipality of Floridablanca, Province of Pampanga