Skip to main content

SUCCESSFUL LAUNCHING OF THE INTEGRATED BUSINESS PERMITS AND LICENSING SYSTEM

SUCCESSFUL LAUNCHING OF THE INTEGRATED BUSINESS PERMITS AND LICENSING SYSTEM: BUSINESS PERMIT WITH BARANGAY CLEARANCE (iBPLS:BPBC) IN THE MUNICIPALITY OF FLORIDABLANCA, PAMPANGA
Naging matagumpay ang paglunsad ng iBPLS sa ating bayan, ngayong ika-28 ng Disyembre sa pangunguna ng inyong lingkod, kasama si Vice-Mayor Michael L. Galang at ang mga kasapi ng Business One Stop Shop sa ating munisipalidad.
Maaari nang mag-file at mag-renew ang mga business owners ng kani-kanilang aplikasyon online. Kaakibat nito ang online processing ng ating LGU sa mga nasabing aplikasyon. Ito ay alinsunod sa Ease of Doing Business (EODB) Law or R.A. 11032 at sa direktiba ni Pangulong Duterte na bawasan ang mga requirements at processing time ng mga transaksyon sa gobyerno.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan naman ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Regional Office – Luzon Cluster 2 Regional Director Engr. Reynaldo T. Sy, Department of the Interior and Local Government (DILG) Pampanga Provincial Director Myrvi Apostol-Fabia, CESO V.
Simula ngayong ika-3 ng Enero, sa darating na taon, pormal na ang implementasyon ng makabagong sistema para sa mas business-friendly at agresibong munisipalidad ng Floridablanca.
#iBPLS
#Floridablanca2022
#abeabekingpanyulung
#isunduabeabeparinkingpanyulung

Official Website of Municipality of Floridablanca, Province of Pampanga