
Opisyal na ngang nagkaroon ng “soft opening” ang Floridablanca Eco-Park
Noong ika-4 ng Disyembre, opisyal na ngang nagkaroon ng “soft opening” ang Floridablanca Eco-Park para sa publiko. Ito po ay handog sa inyo ng ating Lokal na Pamahalaan ng Floridablanca, kasama sa ating hangarin na palakasin ang ating ekonomiya at turismo sa gitna ng pandemya.
Ito ay umpisa pa lamang ng ating plano at layunin upang mas mapaganda at makilala ang ating bayang Floridablanca, di lamang sa larangan ng agrikultura, kundi pati narin sa larangan ng sining, kultura at turismo.
Hindi po biro ang ating pinagdaanan sa kasagsagan ng pandemya. Maraming nawalan ng mga mahal sa buhay at maging ng kani-kanyang hanapbuhay. Sa ating simpleng paraan, nawa makapagbigay ito ng kaunting kaginhawaan at kasiyahan sa bawat cabalen ngayong darating na kapaskuhan.
Salamat keng alang patugut a pamag-antabe cabalen, abe abe tamu pa rin pu king panyulung!!
#Floridablanca2022
#AbeAbePaRinKingPanyulung
(Photo courtesy of respective owners)