Skip to main content

Nalagdaan na ang Memorandum of Partnership Agreement

Nitong ika-3 ng Hulyo, nalagdaan na ang Memorandum of Partnership Agreement sa pagitan ng DENR-III PENRO at ang Lokal na Pamahalaan ng Floridablanca.
Ito ay upang bigyang kapasidad ang ating LGU na mapabilis ang pagbibigay ng mga titulo ng lupa sa ating bayan.
Ang LGU ay magtatalaga ng mga opisyal at tauhan na kinakailangan sa ilalim ng nasabing partnership at lumikha ng mga kinakailangang komite at pangkat. Ito rin ay mangunguna sa pagpapakilos ng komunidad, magbigay ng suporta pagkatapos ng pagpapatitulo sa mga benepisyaryo, at suportahan ang institusyonalisasyon at mainstreaming sa land administration and management policies and procedures.
Dumalo sa nasabing aktibidad sina OIC- PENRO Roger V. Encarnacion, TSD Mr. Romel M. Santiago at Ms. Precilla Santos. Kasama rin dito ang ating Municipal Administrator Dennis A. Isip.
Ang mga titulo ng lupa ay makakatulong sa LGU na makabuo ng karagdagang revenue o kita na magpapaunlad pa sa ekonomiya ng ating munisipyo.
#drm2023
#floridablanca2023
#denrregion3
#denr3penro
#landtitlingprogram

Official Website of Municipality of Floridablanca, Province of Pampanga