
Nag-courtesy call sa Municipal Hall ng Floridablanca
32nd Southeast Asian (SEA) Games – E-Sports GOLD MEDALIST and Head Coach of Team SIBOL, Mr. Van Alfonso mula Barangay Calantas, nag-courtesy call sa Municipal Hall ng Floridablanca, ngayong araw.
Tayo ay lubos na nagagalak sa karangalang inihatid sa ating bayan ni Mr. Van “Vansu” Alfonso, mula sa Barangay Calantas, ang Head Coach ng Sibol’s Wild Rift Team matapos nilang masungkit ang kauna-unahang E-Sports GOLD ng Team Philippines sa 32nd Southeast Asian (SEA) Games na ginanap noong May 7 sa Phnom Penh, Cambodia matapos nilang talunin ang defending champion mula sa Vietnam.
Si Mr. Van Alfonso ay graduate ng BS in Computer Science at ang kasalukuyang Head Coach ng Philippine National Team for Wild Rift. Maliban sa gintong medalya na napanalunan nya sa 32nd SEA Games, kamakailan lang ay nakakuha naman siya ng Silver Medal sa ginanap na 31st SEA Games sa Vietnam.
Ang 2023 Southeast Asian Games ay ang ika-32 edisyon ng SEA Games na pinangunahan ng Cambodia. Ito ang ikatlong pagkakataon na ang esports ay pinaglalaban bilang medal event sa isang multi-sport competition na pinahintulutan ng International Olympic Committee pagkatapos ng disiplina na itinampok bilang isang demonstration sport sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.
Ang ating lokal na pamahalaan ay handang sumuporta sa anumang larangan at hangarin na makapag-bigay ng karangalan at pagkilala sa galing at talento ng mga Pilipino, lalo na ng ating mga cabalen sa Floridablanca.
Mula sa bayan ng Floridablanca, muli, congratulations
and good luck on your future endeavors Mr. Van Alfonso at sa Team Sibol!
#32ndSouthEastAsiganGames
#esports2023
#32ndSEAGames
#TeamSIBOL