Skip to main content

MENRO FLORIDABLANCA, NAKIISA SA WORLD CLEAN UP DAY 2026 🌱🌍

Nagsagawa ng Clean-Up Drive para makiisa sa World Cleanup Day 2026 ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Floridablanca na pinangungunahan ni Engr. Alexis S. Cortez, kasama ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), Pampanga River Rangers, at mga Opisyales ng Brgy. San Antonio, ngayong ika-22 ng Setyembre sa Lunak Road.
Sa ilalim ng temang “From Clean Plates to Clean Cities,” pinalalakas ng World Clean Up Day ang panawagan para sa mas maayos at responsableng pamamahala ng basura mula sa ating sariling tahanan hanggang sa buong komunidad. Ipinapaalala nito na ang disiplina sa simpleng pagtatapon ng dumi ay may malaking ambag sa pangkalahatang kalinisan.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng bawat mamamayan at ng pamahalaang lokal, layunin nating mapanatiling malinis at malusog ang ating kapaligiran. Ang bawat hakbang maliit man o malaki—ay mahalaga upang mahikayat ang bawat Floridablancans na maging aktibong bahagi ng solusyon para sa isang mas maayos, ligtas, at sustainable na Floridablanca.
Official Website of Municipality of Floridablanca, Province of Pampanga