
MAAARI NG MAGREQUEST AT KUMUHA NG PSA DOCUMENTS
GOOD NEWS MGA KABALEN! MAAARI NG MAGREQUEST AT KUMUHA NG PSA DOCUMENTS (BIRTH CERTIFICATE, MARRIAGE CERTIFICATE, DEATH CERTIFICATE, CENOMAR) SA ATING MUNISIPYO!
Sa bisa ng Sangguniang Bayan Resolution No. 52-2022 o Resolution Authorizing the Honorable Mayor Darwin R. Manalansan, on Behalf of the Local Government Unit of Floridablanca, Pampanga, to Enter into and Sign a Memorandum of Agreement (MOA) with the Philippine Statistics Authority Represented by its Signatory, through the Delegated Power of Undersecretary Claire Dennis S. Mapa, PhD, National Statistician and Civil Registrar General to Reiterate and to Undertake the Implementation of the Batch Entry Request System (BREQS) in this Municipality, naimplementa na ang Batch Entry Request System (BREQS) sa ating munisipalidad.
Ang BREQS ay isang sistema na kung saan ang PSA ay maaring makipag-ugnayan sa anumang ahensya ng gobyerno, gaya ng mga lokal na pamahalaan, upang tumanggap at magproseso ng PSA-issued copies and certificates ng mga civil registry documents, gaya ng Birth Certificate, Marriage Certificate, Death Certificate at Cenomar para sa mga kumukuhang kliyente nito.
Sa ganitong paraan, di na kailangan pang pumunta sa malalayong PSA Service Outlets, at makakatipid pa mula sa dagdag na gastusin, oras, at panahon.
Narito ang mga fees at charges sa pagkuha ng mga sumusunod na dokumento:
– Birth Certificate – ₱ 155.00
– Marriage Certificate – ₱ 155.00
– Death Certificate – ₱ 155.00
– CENOMAR – ₱ 210.00
Additional Fee/Charges:
Service Fee – ₱ 100.00 per Request/Transaction
Para sa inyong karagdagang kaalaman o katanungan, magtungo lamang po sa tanggapan ng ating Municipal Civil Registrar.
#PSA
#PSABREQS
#BREQS
#drm2023
#floridablanca2023