Skip to main content

LOOK | VISITATION OF THE 540TH AIR BASE GROUP ✈️

Bumisita ngayong hapon ang mga kinatawan ng 540th Air Base Group ng Philippine Air Force sa ating tanggapan, kasama ang mga Councilors na sina Coun. Fernando C. Garcia at Coun. Jacob “Boyet” Fajardo, upang talakayin ang mga nakahanay na proyekto at estratehikong hakbang sa pagtugon sa problema ng pagbaha sa ating bayan.
Tinalakay sa ginanap na pagpupulong ang mas malinaw na pagpaplano at pagbuo ng mga konkretong solusyon upang epektibong mabawasan ang epekto ng baha at maprotektahan ang kapakanan ng ating mga komunidad.
Patuloy at walang maliw nating pinagtitibay ang pakikipagtulungan at ugnayan sa ating mga partner agencies upang maitaguyod ang mga programang maghahatid ng tiyak na proteksyon, at episyenteng serbisyo.
Official Website of Municipality of Floridablanca, Province of Pampanga