LOOK | QUARTERLY MEETING OF THE LOCAL HEALTH BOARD OF FLORIDABLANCA
Nagsagawa ng Local Development Council Meeting na pinangunahan ni Municipal Mayor, Hon. Michael L. Galang, kasama ang mga Councilors na sina Coun. Edward S. Paras, Coun. Adonis G. Magat at ng mga iba’t ibang representante ng mga departmento ngayong ika-16 ng Setyembre sa Conference Room ng New Municipal Building
Tinalakay sa pagpupulong ang recap ng mga issues and concerns mula sa nakaraang Local Health Board meeting, gayundin ang presentation ng Municipal Health Status Reports na sumaklaw sa Top Mortality at Top Morbidity sa Floridablanca para sa taong 2026.
Binigyang-pansin din ang mga accomplishment at gaps ng iba’t ibang health programs, kabilang ang Emergency Preparedness, DRRMH-H, Environmental Sanitation, National Immunization Program (MR-SIA), Community-Based Drug Rehabilitation Program, National Tuberculosis Program, Laboratory Updates, at Mental Health Program. Kabilang din sa mga tinalakay ang PhilHealth Accreditation at ang Nutritional Report.
Layunin ng pagpupulong na masuri ang kasalukuyang kalagayan ng mga programang pangkalusugan sa bayan, matukoy ang mga kinakailangang aksyon, at mapalakas ang koordinasyon ng mga kaugnay na tanggapan at sektor upang patuloy na mapahusay ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan ng Floridablanca.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1EqZCQJAPP/