LOOK | PAGPULONG SA DHSUD UKOL SA MGA PROGRAMANG PABAHAY 🏠
Isinagawa ang pagpupulong kung saan tinalakay ang mga kinakailangang hakbang para sa pagsulong ng mga programang pabahay sa direktiba ni Municipal Mayor, Hon. Michael L. Galang, kasama ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na pinangungunahan ni Regional Director, Atty. Richard L. Manila ngayong ika-23 ng Setyembre sa Mayor’s Office ng New Municipal Building.
Itinataguyod ng pamahalaan ang mga inisyatibo para sa maayos, ligtas, at disenteng pabahay na nakatuon sa nangangailangan na sektor.
Ang layunin ng mga programang ito ay hindi lamang ang pagbibigay ng tirahan, kundi ang pagbuo ng mga ligtas na komunidad na may access sa mga batayang serbisyo at functional na imprastraktura upang matulungan ang tuloy-tuloy na pag-unlad ng pamumuhay ng mga mamamayan.
#LGUFloridablanca #ArangakdaFloridablanca #FloridablancaPIO
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19W8MwuCUe/