LOOK | Gender and Development Focal Point System Meeting 🎯
Isinagawa ngayon ang Gender and Development Focal Point System (GFPS) na pinangunahan ni Gender and Development Officer, Ms. Winnie R. Ching, kasama si Municipal Administrator Municipal Administrator, Roberto C. Delgado, Coun. Jocelyn M. Ong, members ng GFPS, Civil Society Organization (CSO), at Department of Education (DepEd)
Sa nasabing pagpupulong, tinalakay ang mahahalagang agendang nakatutok sa pagsusuri ng 2026 Utilization and Realignment upang matiyak ang wastong paggamit ng pondo para sa mga kasalukuyang programa. Binigyang-diin din ang pagbabalangkas ng 2027 Budget para sa mga susunod na proyektong isusulong sa bayan. Bukod dito, pinagplanuhan ang pagpapatupad ng Gender and Development (GAD) Training upang lalo pang mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng bawat kasapi sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng kasarian at inklusibong pamamahala.
Ang gawaing ito ay isinagawa upang palakasin ang pagtutulungan ng pamahalaang lokal at iba’t ibang sektor sa pagbuo ng mga kapaki-pakinabang na proyektong isinasaalang-alang ang kapakanan ng lahat ng mamamayan. Layunin din nitong tiyakin na ang bawat plano at alokasyon ng pondo ay nakatuon sa pagtataguyod ng pantay na oportunidad, proteksyon, at kaunlaran sa buong komunidad.
pangkabuhayan ng mamamayan.
CLICK HERE:Â https://www.facebook.com/share/p/1K1xVxerjV/