Skip to main content

LOOK | Bata-Bida: Empowering BCPC Child Representative For Meaningful Child Participation and Child-Friendly Barangays

Isinasagawa ngayong ika-15 ng Setyembre ang “Bata-Bida: Empowering BCPC Child Representative For Meaningful Child Participation and Child-Friendly Barangays” sa direktiba ni Municipal Mayor Michael L. Galang, na pinangunuahan ni LCPC Focal Person, Ms. Jennifer M. Montemayor, kasama sina Coun. Jocelyn M. Ong, Hon. Michael John Ronquillo, RSW at ang mga BCPC Child Representatives. sa Audio Visual Room ng New Municipal Building.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang kapasidad ng mga kinatawan ng kabataan sa pamamagitan ng pagpapaliwanag ng kanilang gampanin sa BCPC, pagpapalawak ng kaalaman sa karapatan ng mga bata, at paglinang ng kanilang kasanayan sa pamumuno at pagpapahayag ng saloobin.
Gayundin tinatalakay ang pagtukoy sa mga isyung pambata sa barangay, ang tamang mekanismo sa pag-uulat ng pambubulas at pang-aabuso, at ang pagbuo ng mga proyektong nakatuon sa kapakanan ng kabataan.
Mahalaga ang gawaing ito upang matiyak na ang boses ng bawat bata ay nabibigyang-halaga sa pagbalangkas ng mga programa sa lokal na pamahalaan. Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng ating mga kinatawan, mas napapatibay natin ang layuning makabuo ng ligtas, maunlad, at child-friendly na komunidad sa bawat barangay.
Official Website of Municipality of Floridablanca, Province of Pampanga