Skip to main content

Inauguration ng Bagong Pumping Station sa Purok 7, Brgy. Paguiruan, Floridablanca, Pampanga

Noong Miyerkules, ika-1 ng Disyembre, dumalo po tayo sa inauguration ng bagong Pumping Station sa Purok 7, Brgy. Paguiruan, Floridablanca, Pampanga.
Ito po ay naisakatuparan sa ilalim ng joint venture ng Floridablanca Water District at PrimeWater Floridablanca sa kanilang ika-5 anibersaryo.
Mapapalakas ng pumping station na ito ang pressure ng tubig upang matugunan ang pangangailangan ng nasa 3,200 na kabahayan sa Brgy. Paguiruan, Del Carmen, Benedicto, San Isidro, Poblacion, Solib at San Antonio, partikular na tuwing peak hours.
Ang inyong lingkod, kasama si Vice-Mayor Michael Galang, at mga SB councilors, ay nagpapasalamat sa mga opisyal ng Floridablanca Water District sa pangunguna ni Chairman Joselito Gonzales at GM Jeffrey Lintag, at opisyal ng PrimeWater sa patuloy na pagbibigay ng maayos na serbisyo ng tubig sa ating bayan.
#Floridablanca2022
#AbeAbeKingPanyulung
#AbeAbePaRinKingPanyulung
#IsunduAbeAbeParinKingPanyulung
#isunduingpanyulung

Official Website of Municipality of Floridablanca, Province of Pampanga