Skip to main content

IN PHOTOS | REGULAR SESSION NG IKA-12 SANGGUNIANG BAYAN ⚖️🇵🇭

Isinagawa ngayong ika-14 ng Setyembre 2026 ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Floridablanca, na pinangunahan ni Municipal Vice Mayor Allan “Dok Poli” Policarpio, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, sa Session Hall ng Legislative Building.
Bahagi rin ng Session ang paggawad ng mga resolusyon bilang pagkilala sa mga natatanging tagumpay ng mga pinarangalan, kabilang ang mga kabataang nagkamit ng Silver Medal sa 15-Under World Youth Championship na ginanap sa Singapore.
Kinilala rin ang mga Barangay Council ng Benedicto, Calantas, San Isidro, San Jose, at San Ramon sa ilalim ng B.E.S.T. Barangay Assessment, bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap at maayos na pagpapatupad ng mga programa para sa kanilang mga nasasakupan.
Samantala, dumalo rin ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan upang linawin at ayusin ang mga usaping may kaugnayan sa dengue. Kabilang dito sina MDRRMO Head, Mr. Dennis A. Isip, Municipal Health Officer, Dr. Mary Ellen Love A. Chavez, Rural Health Physicians, Dr. Alfie DT. Navarro, at Dr. Marigi Jolliet S. Mallari; at Sanitary Inspector Designate, Ms. Rosalie M. Malit.
Sa bawat pagpupulong, pagkilos, at serbisyong hatid sa ating mga kababayan, patuloy nating pinagtitibay ang isang pamahalaang nakikinig, kumikilos, at naglilingkod.
Official Website of Municipality of Floridablanca, Province of Pampanga