IN PHOTOS | LOCAL DEVELOPMENT COUNCIL MEETING
Nagsagawa ngayon ng Local Development Council Meeting na pinangunahan ni Municipal Mayor, Hon. Michael L. Galang, kasama si Municipal Vice Mayor, Allan “Dok Poli” Policarpio, Councilor Jocelyn M. Ong, Municipal Administrator, Roberto C. Delgado, mga Punong Barangay, Municipal Planning and Development Office (MPDO), Civil Society Organization (CSO), at ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong ika-16 ng Setyembre sa Audio Visual Room ng New Municipal Building
Tinalakay sa pagpupulong ang mga kasalukuyang proyekto na pinopondohan sa ilalim ng 20% Development Funds, kabilang ang kanilang kalagayan at mga kinakailangang hakbang para sa maayos na pagpapatupad. Binigyang-pansin din ang realignment ng iba pang mga proyekto sa Bayan.
Patuloy ang pagtutulungan at pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng komunidad upang maibigay ang kinakailangang suporta para sa kaunlaran ng Floridablanca.
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19upyX4tyo/