Skip to main content

IN PHOTOS | BENCHMARKING ACTIVITY OF THE LEAGUE OF MUNICIPALITIES OF THE PHILIPPINES – ILOILO CHAPTER 🤝💙

Nagsagawa ng Benchmarking Activity ang League of Municipalities of the Philippines (LMP) – Iloilo Chapter sa Bayan ng Floridablanca ngayong Oktubre 2, 2026, na nilahukan ng anim na Punong Bayan mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Iloilo.

Layunin ng aktibidad na magkaroon ng palitan ng kaalaman, karanasan, at best practices sa lokal na pamamahala, partikular sa mga programa at inisyatibong maaaring magsilbing gabay sa patuloy na pagpapabuti ng serbisyo publiko.

Pinangunahan ang pagtanggap sa delegasyon nina Municipal Mayor Hon. Michael L. Galang, Municipal Vice Mayor Hon. Allan “Dok Poli” Policarpio, Municipal Administrator Roberto C. Delgado, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at iba pang kinatawan ng Municipal Government of Floridablanca.

Nagbahagi rin ng mga best practices ng Floridablanca si Ms. Jennifer V. Montemayor, MCPC Focal Person at Social Welfare Officer III, partikular sa mga inisyatiba ng Municipal Council for the Protection of Children (MCPC).

Taos-pusong tinanggap at pinasalamatan ng Pamahalaang Bayan ng Floridablanca ang mga bumisitang Punong Bayan at kanilang mga delegasyon:

• Hon. Ma. Teresa F. Debuque — Mayor, Anilao, Iloilo
• Hon. Elvira P. Alarcon — Mayor, Batad, Iloilo
• Hon. Joe Abad S. Lazaro — Mayor, San Joaquin, Iloilo
• Hon. Richard S. Garin, Jr. — Mayor, Miagao, Iloilo
• Hon. Robert Martin U. Pama — Mayor, Dueñas, Iloilo
• Hon. Peter Paul T. Gonzales — Mayor, Banate, Iloilo
• Hon. Juvic Escorpion, Jr. — Mayor, Igbaras, Iloilo

Ang benchmarking activity na ito ay nagsisilbing mahalagang pagkakataon para sa pagbabahagi ng kaalaman, pagpapalitan ng mga makabagong ideya, at pagpapatatag ng ugnayan ng mga lokal na pamahalaan tungo sa mas mahusay, episyente, at responsive na serbisyo publiko.

Mula Iloilo hanggang Floridablanca, sama-samang umaarangkada para sa mas progresibong pamahalaang lokal.

#LGUFloridablanca #ArangkadaFloridablanca #FloridablancaPIO

CLICK HERE: https://www.facebook.com/FloridablancaPIO/posts/pfbid02s7bgkjAy91DygAknCWorRrMCQ1XMYAWvyUYQFv7iVTBcxrmwRGhUNLYkq484qWMTl

Official Website of Municipality of Floridablanca, Province of Pampanga