Skip to main content

IN PHOTOS 3/3 | MAYOR’S CUP 2026 INTER – BARANGAY BASKETBALL LEAGUE – BORN 2008 🏀⛹️

Opisyal nang sinimulan ang Floridablanca Mayor’s Cup 2026 Inter-Barangay Basketball League-Born 2008 sa Floridablanca Sports Complex na nilahukan ng mga koponan mula sa 30 barangay ng bayan, kahapon, ika-19 ng Setyembre.

Isinagawa ang aktibidad sa direktiba ni Mayor Michael L. Galang, katuwang si Vice Mayor-Dr. Allan “Dok Poli” Policarpio, mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, at Brgy. Councils na pinangunahan ng Municipal Sports and Development Unit sa pamumuno ni Mr. Jayson R. Sundiam, Municipal Sports Coordinator at Local Youth Development Officer, Ms. Anabelle P. Manuel.

Sinimulan ang pagbubukas ng kompetisyon sa pamamagitan ng Parade of Teams, kung saan tampok ang mga basketball teams at kanilang mga Muse mula sa iba’t ibang barangay.

Kabilang sa programa ang mga mensahe mula sa mga halal na opisyal at espesyal na panauhin, Muse Competition, at iba pang seremonyang hudyat sa pagsisimula ng kompetisyon.

Nagbigay rin ng mensahe ang mga espesyal na panauhin na sina Vince Artrei Sarmiento, manlalaro ng Bulacan Kuyas sa MPBL na tubong Barangay Paguiruan, at Coach John “Popoy” River, kasalukuyang bahagi ng coaching staff ng Bulacan Kuyas sa MPBL, na kumatawan kay Allan Salangsang.

Isinagawa rin ang Lighting of the Torch, na pinangunahan nila Anakin Isip at Gabriel M. Daga-as, bilang simbolo ng pagsisimula ng paligsahan. Sinundan ito ng Oath of Sportsmanship na pinangunahan ni Axl Klyd C. Bulan, bilang pagpapahayag ng pangako sa patas at marangal na pakikilahok sa kompetisyon.

Nagbigay din ng karangalan sa naturang pagtitipon ang pagdalo ni Atty. Claire David Lim bilang kinatawan ni Vice Governor Dennis “Delta” G. Pineda, na lalong nagpatampok sa kahalagahan ng pagkakaisa at suporta ng pamahalaang panlalawigan para sa kabataang Floridablancans.

Sa pamamagitan ng Mayor’s Cup, binibigyang pagkakataon ang mga kabataan at mga barangay na magsama-sama sa pamamagitan ng sports, habang itinataguyod ang sportsmanship, disiplina, pagkakaisa, at pagkakaibigan sa komunidad.

RELATED POSTS

IN PHOTOS 1/3: https://web.facebook.com/share/p/1H5AohxzYc/

IN PHOTOS 2/3:

https://www.facebook.com/share/p/1J8F4Bnqvk/

MESSAGE OF MAYOR MICHAEL L. GALANG: https://web.facebook.com/share/p/1FP4qtZ5tC/

MUSE COMPETITION HIGHLIGHTS: https://web.facebook.com/reel/914402581437737/

PARADE & LIGHTING OF TORCH:

https://web.facebook.com/share/v/191gZn9ZN2/

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1HScaWYnkU/

Official Website of Municipality of Floridablanca, Province of Pampanga