Skip to main content

IN PHOTOS 2/2 | TEACHER’S MONTH: ALDO DA RENG TALATURU 🧑‍🏫

Bilang pagdiriwang sa Teacher’s Month, isinagawa ang Aldo Da Reng Talaturu sa direktiba ni Municipal Mayor, Hon. Michael L. Galang, kasama si Municipal Vice Mayor, Hon. Allan “Dok Poli” Policarpio at Sangguniang Bayan Members sa pangunguna ng Committee Chairman on Education and Skills Development, Hon. Adonis Magat. Dinaluhan ito ng mga guro ng iba’t ibang paraalan mula sa east at west district ng bayan ng Floridablanca ngayong ika-25 ng Setyembre sa Floridablanca Sports Center.
Sa pagtitipon ay nagsagawa ang iba’t ibang masayang aktibidad na inihanda para sa mga guro, kabilang ang mga nakakatuwang intermission dance numbers, mga kapana-panabik na laro, at ang raffle draw na nagbigay ng karagdagang saya at papremyo sa mga dumalo.
Isinagawa ang ito upang ibigay ang nararapat na pagkilala at pasasalamat sa walang kapantay na dedikasyon ng ating mga guro sa bayan ng Floridablanca.
Naglingkod din itong pagkakataon upang makapagpahinga sila mula sa kanilang pang-araw-araw na tungkulin, magkaroon ng oras na makakilala at makasalamuha ang kapwa nila edukador, at magkasiyahan bilang isang nagkakaisang komunidad ng mga tagahubog ng kabataan.
Official Website of Municipality of Floridablanca, Province of Pampanga