
GROUNDBREAKING CEREMONY NG MULTI-PURPOSE BUILDING PROJECT
GROUNDBREAKING CEREMONY NG MULTI-PURPOSE BUILDING PROJECT NG ATING LOKAL NA PAMAHALAAN, ISINAGAWA SA BRGY. STA MONICA NITONG IKA-5 NG HUNYO!
Matagumpay na isinakatuparan ang groundbreaking ceremony sa bagong Multi-Purpose Building sa Brgy. Sta. Monica, Floridablanca, Pampanga. Ito ay ang proyektong ating pinangunahan kaakibat ang ating butihing Vice-Mayor Michael L. Galang Opisina ning Talasuyu Michael Lugtu Galang, Municipal Engineer Nelson B. Mari, mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Floridablanca at ilan pang mga opisyal at kawani ng ating lokal na pamahalaan.
Dumalo rin sa aktibidad na ito ang ating mahal na Pampanga Provincial Governor Dennis “delta” Pineda upang makiisa sa ating layunin na mapabuti at mapalawig ang ating serbisyo publiko sa pamamagitan ng makabagong pasilidad at tanggapan na magbibigay ng kaginhawaan sa ating mga cabalen.
Ipinangako din ng ating gobernador na maglalaan ang Provincial Capitol ng mahigit tatlumpung milyong piso (Php 30,000,000.00) financial assistance para maisakatuparan ang pagpapatayo ng Don Honorio Ventura State University (DHVSU) campus sa Floridablanca.
Kaisa natin ang Pamahalaang Panlalawigan sa ating layuning magbigay katiwasayan at kaginhawaan sa ating mga empleyado, lalo na sa ating mga cabalen na lumalapit sa ating mga tanggapan para sa kani-kanilang mga transakyon. Gayundin ang layunin ng ating LGU na makapagbigay ng magandang kalidad ng edukasyon sa ating mga kabataan sa kabila ng hirap ng buhay.
#isunduabeabekingpanyulung
#abeabekingpanyulung
#floridablanca2023
#drm2023