Skip to main content

Edukasyon, Tulong at Aksyon ang Solusyon | May 30, 2024

Sa inisyatiba ni HON. MAYOR DARWIN RONQUILLO MANALANSAN, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng KAMPANYA KONTRA DROGA na ngayo’y ibinaba sa mga residente ng barangay San Nicolas at barangay Gutad sa pamamagitan ng pagmumulat sa publiko ng mga masasamang epekto ng paggamit ng ilegal na droga.
Layunin ng programa na mapakalat ang kamalayan at pagtataguyod ng hakbang sa pag-iwas sa paggamit ng ilegal na droga sa pamamagitan ng pagbibigay kasanayan at sustainable na tulong pangkabuhayan sa mga taong naapektuhan ng pag abuso sa ilegal na droga.
Ang nasabing programa ay pinangasiwaan ni PCp1. Ariel G. Tapia – Assistant MCAD Under the supervision of Plt. Col Julius Alvaro , ACOP Floridabalanca MPS. PCpl. Chap-Ptr. Herman “Wallie” Ilagan Jr. SUGU,CFCGI, at Ms. Edelyn S. Lobo, MSWDO V sa suporta ni Hon. Councilor DARREN MANALANSAN, Chairman Committee on Education.
Asahan po natin na tuloy-tuloy ang kampanya laban sa ilegal na droga sa buong bayan ng Floridablanca.

Official Website of Municipality of Floridablanca, Province of Pampanga