
DOLE TUPAD Contract Signing at Orientation
Nagtungo ngayong araw sa Floridablanca Sports Center para sa DOLE TUPAD contract signing at orientation si Gov. Dennis “delta” Pineda upang paalalahanan ang ating mga kababayan na benepisyaryo ng nasabing programa ang kahalagahan ng pagkakaroon ng hanapbuhay sa gitna ng pandemya.
Nanguna sa nasabing aktibidad ang mga kawani ng DOLE, si Vice-Mayor Michael L. Galang at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, MESO staff at ilang mga empleyado ng ating munisipilad na nagbigay ng suporta.
Kasama rin sa mga dumalo at nagbigay ng mensahe sina Senatorial candidate Gen. Guillermo Eleazer, BM Mylyn Pineda-Cayabyab, BM Fritzie David Dizon, at future BM Sajid Khan M. Eusoof.