BFAR, NAGPAKAWALA NG 100,000 TILAPIA AT 12,000 AYUNGIN SA PALAKOL RIVER 🐟🌊
Nagpakawala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region III, ng 100,000 Tilapia at 12,000 Ayungin sa Palakol River bilang bahagi ng Balik Sigla Sa Ilog at Lawa Program. Sa direktiba ni Municipal Mayor, Hon. Michael L. Galang, at pangunguna ng Municipal Agricultural Office, nakiisa ang Lokal na Pamahaalan, kasama ang Rotary Club ng Dolores, 540th Air Base Group, at iba’t-ibang organisasyon ngayong ika-23 ng Setyembre sa Brgy. San Jose, Palakol River.
Layunin ng inisyatibong itong pangalagaan ang ating mga yamang-tubig upang suportahan ang pangkabuhayan ng kasalukuyang mangingisda at matiyak ang tuloy-tuloy na supply para sa susunod na henerasyon.
RELATED POST: https://www.facebook.com/share/p/1DSXZFA8Cu/
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/19aAbHFAb1/