
2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2023 | June 08, 2023
Ang Lokal na Pamahalaan ng Floridablanca ay nakiisa sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2023 nitong ika-8 ng Hunyo, taong 2023.
Ito ay alinsunod sa inilabas na Memorandum No. 08-2023 ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council 3 kaugnay ng NDRRMC Memorandum No. 006, s. 2023 na pinamagatang “Resumption of Face-to-Face Conduct of NSED 2023.”
Nakasaad sa naturang memo ang mga nakatakdang araw at oras sa mga isasagawang earquake drill kada quarter ng taon upang mas mapalawig pa ang ating disaster preparedness and response sa panahon ng mga sakuna, gaya ng lindol. Ang susunod na NSED ay nakatakda na sa ika-7 ng Setyembre, 2023, sa ganap na alas-dos ng hapon (2:00 p.m.).
Maayos na naisagawa ang drill na ating masusing pinamahalaanan sa tulong ng ating Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Dennis A. Isip, upang masiguro na maisagawa ang tamang koordinasyon sa oras ng sakuna. Sa tulong ng mga MDRRMO personnel at kooperasyon ng ating mga empleyado, matagumpay at mapayapang naisagawa ang aktibidad.
Bida ang Handa!
#laginghanda
#NSED2023
#earthquakedrill
#abeabekingpanyulung
#drm2023
#floridablanca2023