Skip to main content

24 COUPLES, SABAY-SABAY NA NAG “I DO” SA KASALANG BAYAN 2026 💍

Nagsagawa ng Kasalang Bayan ang Lokal na Pamahalaan ng Floridablanca, kung saan nag-isang dibdib ang 24 couples, sa pangunguna ni Municipal Mayor at Solemnizing Officer, Hon. Michael L. Galang ngayong ika-30 ng Setyembre sa Audio Visual Room ng New Municipal Building.
Ang taunang programa na ito ay isa sa mga pangunahing inisyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng Floridablanca upang legal na mapatibay ang pagsasama ng mga mamamayan at maitaguyod ang matatag na pamilya sa bayan. Malugod na binabati ng pamahalaang lokal ang mga bagong kasal sa kanilang matagumpay na pag-iisang-dibdib.
Nawa’y patuloy na basbasan at gabayan ng Maykapal ang bawat tahanan ng masaganang biyaya, pagmamahalan, at kapayapaan sa kanilang bagong simula.
Official Website of Municipality of Floridablanca, Province of Pampanga