14 SENIOR CITIZENS, NAKATANGGAP NG BIRTHDAY INCENTIVES MULA SA LOKAL NA PAMAHALAAN 🎉
Naghatid ng ngiti at pagpapahalaga ang Local na Pamahalaan ng Floridablanca sa ating mga nakakatandang mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng Birthday Incentives para sa mga senior citizen na may edad na 90 taong gulang pataas, sa direktiba ni Municipal Mayor, Hon. Michael L. Galang kasama ang Office of The Senior Citizens Affair (OSCA) na pinangungunahan ni Ms. May Flor Lopez, ngayong ika-30 ng Setyembre sa mga iba’t ibang barangay ng Floridablanca.
Ito po ang mga senior citizens na naibigyan ng Birthday Incentives ngayong buwan ng Setyembre:
Maria S. Rodriguez – 90 years old, Brgy, Fortuna.
Maria S. Tolentino – 92 years old, Brgy. Fortuna.
Anita B. Cruz – 91 years old, Brgy. Fortuna.
Joaquin C. Santiago Jr. – 90 years old, Brgy. San Jose
Maria Nieves T. Gozun – 100 years old, Brgy. San Jose
Luciana S. Valerio – 98 years old, San Nicolas
Leonora M. Anden – 94 years old, San Nicolas
Nenita Z. Tolentino – 91 years old, Palmayo
Ester C. Donato – 90 years old, Sto. Rosario
Ceferina F. Guintu – 94 years old, San Roque
Herminia C. Petel – 93 years old, San Antonio
Juanita C. Baluyut – 91 years old, Solib
Marcelo V. Candelaria – 94 years old, Solib
Angelita L. Magtanong – 90 years old, Mabical
Taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa ating mga minamahal na lolo at lola! Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon.
Ang inyong mga sakripisyo, karunungan, at pagmamahal ay nagsisilbing matibay na pundasyon at liwanag sa ating buong komunidad. Panalangin natin ang inyong patuloy na kaligtasan at ligaya kasama ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay sa bawat araw.
DISCLAIMER:
Ang lahat ng nakatalang senior citizen sa itaas ay nagpasa ng mga nararapat na kinakailangang dokumento at dumaan sa tamang proseso ng beripikasyon upang maging kwalipikadong makatanggap ng Birthday Incentives mula sa Lokal na Pamahalaan ng Floridablanca.
#LGUFloridablanca #ArangkadaFloridablanca #FloridablancaPIO
CLICK HERE:Â https://www.facebook.com/share/p/17o5dh6pd1/