12TH FARMERS DAY CELEBRATION | MAY 19, 2023

IKA-12 SELEBRASYON NG FARMER’S DAY SA FLORIDABLANCA, GINANAP NGAYONG ARAW
Ngayong araw, May 19, ginanap ang Farmer’s Day sa munisipalidad ng Floridablanca na may temang “Ortelanu Kayabe Ka at Kasangga King Panyulung Ning Balen Floridablanca.” Ito ang ika-12 na selebrasyon ng Araw ng mga Magsasaka, na pansamantalang nahinto buhat ng pandemya.
Nagsagawa ng programa at mga pantimpalak ang ating LGU, kaakibat ang Municipal Agriculture Office (MAO) sa pamumuno ni Ms. Myrna M. De Vera, Municipal Agriculturist I, gaya ng PINAKA contest kung saan ang may pinakamalaking commodities (kalabasa, ampalaya, talong) ang tatanghaling panalo. Para naman sa Best Float Contest, magmumula naman sa mga Farmers Associations/Cooperatives ng Floridablanca ang tatanghaling panalo.
Dinaluhan natin ang nasabing aktibidad kasama ang ilang opisyal at konsehal ng bayan ng Floridablanca. Malaki ang pasasalamat natin sa Municipal Agriculture Office sa kanilang inisyatiba upang makilala ang kadakilaan ng mga magsasaka sa ating bayan.
Bilang isang agricultural town, layunin ng ating lokal na pamahalaan na magbigay ng pagkilala at suporta sa ating mga magsasaka upang mas mapalawig pa ang sektor ng agrikultura sa Floridablanca.
#Floridablanca2023
#DRM2023
#FarmersDay
#FloridablancaFarmersDay

Where to Find Us

Address

Municipal Hall Building, Macabulos St., Brgy. Poblacion, Floridablanca, Pampanga

Telephone

(045) 970 – 1724 / 970 – 1721 local 100

Copyright © 2020. Municipality of Floridablanca, Province of Pampanga. All rights reserved.

Follow us
Official Website of Municipality of Floridablanca, Province of Pampanga