
125th Independence Day Commemoration
125th Independence Day Commemoration
Nitong ika-12 ng Hunyo, 2023, nakilahok ang ating Lokal na Pamahalaan ng Floridablanca sa pagdiriwang ng ika-125 na Araw ng Kalayaan sa ating bansa na may temang “Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.” na ginanap sa Floridablanca Sports Center.
Sa kabila ng pabugso-bugsong malakas na hangin at ulan, pinangunahan ng ating butihing Mayor Darwin R. Manalansan, Vice-Mayor Michael L. Galang Opisina ning Talasuyu Michael Lugtu Galang, Municipal Administrator Dennis A. Isip, ilang miyembro ng Sangguniang Bayan at opisyal at kawani ng ating LGU.
Dumalo rin sa nasabing komemorasyon ang ating mga kapulisan sa Floridablanca Municipal Police Station, mga bumbero ng Bureau of Fire Protection, at mga miyembro ng Philippine Air Force (PAF) 5th Fighter Wing sa ating Basa Air Base.
Kaisa po tayo ng ating pamahalaan sa pagbibigay ng importansya sa kalayaang pinaghirapan ng ating mga ninuno para sa matiwasay na kinabukasan na kanilang pinangarap para sa bansa. Nararapat lang na atin silang gunitain at bigyang parangal sa araw ng kalayaan.
Happy Independence Day, mga cabalen!
#125thIndependenceDay
#IndependenceDay2023
#ArawNgKalayaan2023
#PhilippineIndependenceDay
#DRM2023
#Floridablanca2023
#abeabekingpanyulung
#isunduabeabekingpanyulung