⚖️ TULOY-TULOY ANG SERBISYONG LEGAL!
#ArangkadaHustisya | Muling isasagawa ng Lokal na Pamahalaan ang
Lawyer of the Day Initiative (LODI) sa pangunguna ng ating Legal Officer, katuwang ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) Pampanga Chapter, upang magbigay ng libreng payong legal sa mga nangangailangan.
Para sa mga nais humingi ng legal na gabay, maaaring magtungo sa Meeting Room 2, 2nd Floor, New Municipal Building ngayong Tuesday, September 29, 2026, mula 8:00 hanggang 11:00 ng umaga.
Dahil limitado ang oras at lugar, maaaring magkaroon ng cut-off sa bilang ng mga tatanggapin kung kinakailangan.